^

Metro

4 dayuhang miyembro ng 'Ecstasy Gang' ipapatapon ng BI

-
Ipinag-utos kahapon ni Bureau of Immigration Commissioner Andrea Domingo ang pagde-deport sa apat na inarestong dayuhang pinaniniwalaang miyembro ng ‘Ecstasy Gang’.

Nakilala ang mga nadakip na dayuhan na sina Stewart McDonald, British national at Philip Glass Murphy, Jayson Johnson Jeffrey ay Joseph Vernie Ducat na pawang mga American nationals.

Sinabi ni Domingo na ang mga suspect ay nabigo na makapagpakita ng kanilang travel documents. Si Murphy na bagamat nakapagpakita ng mga papeles ay lumabag din sa Immigration Law dahil sa overstaying.

Magugunitang ang mga nabanggit ay kabilang sa 13 katao na dinakip ng pulisya sa isinagawang operasyon noong nakalipas na linggo sa La Vista Village sa Quezon City. Nasamsam sa mga ito ang mga ecstasy pills.

Niliwanag naman ni Domingo na bagamat magkaroon ng kautusan ang bureau para ma-deport ang mga ito mananatili muna silang nakapiit sa detention cell ng BI hanggat hindi nila nareresolba ang kanilang kaso sa korte.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

DOMINGO

ECSTASY GANG

IMMIGRATION LAW

JAYSON JOHNSON JEFFREY

JOSEPH VERNIE DUCAT

LA VISTA VILLAGE

PHILIP GLASS MURPHY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with