Ayon kay Chief Supt. Cresencio Maralit, PNP spokesman na ang nasabing bilang ay mula sa may 3,141 na kagawad ng pulisya na kumuha ng Early Retirement Program (ERP) noon pang Mayo 1998 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang kanilang kaukulang benepisyo at hinihintay pa rin ang P1.195 bilyon na budget sa Department of Budget and Management (DBM).
Nabatid na nagdesisyong magbalik munang muli sa serbisyo ang naturang mga pulis para kahit papaano ay may matanggap silang suweldo kada buwan para maisuporta sa kanilang mga pamilya dahil na rin sa matagal na nilang paghihintay sa minimithing retirement benefits na hanggang ngayon ay nasa balag pa rin ng alanganin.
Dahil dito ay nagpahayag umano ng kahandaan ang mga nag-retiro nang PNP personnel na bumalik na lamang muli sa serbisyo
Nabatid na ang naturang applications for reinstatement ay isinasaayos na ngayon ng mga empleyado ng Directorate for Personnel and Records Management. (Ulat ni Joy Cantos)