Nadakip na 'Ecstasy Gang' member hindi player ng PBL

Itinanggi kahapon ng pamunuan ng Philippine Basketball League (PBL) na ang pangalang Jayson Johnson Jeffrey na nahuling miyembro umano ng ‘Ecstasy gang’ ay naging PBL player, gaya ng unang iniulat.

Ayon kay PBL Commissioner Chino Trinidad wala sa kanilang rekord ang pangalang Jayson Johnson Jeffrey na maaari umanong nabanggit nito sa isinagawang interogasyon sa pulisya dahil na rin umano sa maaaring sabog pa ito sa ipinagbabawal na gamot.

Sakali umanong ipagpilitan nito na miyembro o naging miyembro siya ng liga ay dapat lamang masiyasat kung saan team siya kabilang.

Show comments