Anak ni Asistio kulong sa shabu
October 16, 2001 | 12:00am
Sinentensiyahan kahapon ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) ng apat na taon at dalawang buwang pagkabilanggo ang anak ni dating Caloocan Congressman Luis "Baby" Asistio sa kaso ng droga.
Sa sampung pahinang desisyon na inilabas ni Judge Myrna Dimaranan- Vidal ng Branch 127, ang hinatulan ay si Luisito Enriquez Asistio, na kilala sa tawag na Patchot, 40, matapos na ito ay mahulihan ng halos isang gramo ng shabu.
Sa isinagawang arraignment, nag-plea ng not guilty ang batang Asistio.
Base sa rekord ng korte, dakong alas-7 ng gabi noong nakalipas na Marso 1 nang arestuhin ang batang Asistio dahil sa kasong pagnanakaw ng mga bote ng softdrinks sa isang junkshop sa 10th Avenue ng naturang lungsod base sa reklamong iniharap ng negosyanteng si Lucita Te.
Matapos arestuhin at isailalim sa pagsisiyasat nakuha dito ang isang plastic sachet ng shabu.
Itinanggi naman ni Asistio ang paratang kasabay nang pagsasabing itinanim ito ng mga pulis sa kanya.
Ito rin umano ay gawa-gawa lamang ng mga kalaban ng kanyang ama sa politika.
Hindi naman tinanggap ng korte ang alegasyon ni Asistio kasabay nang pagsasabing ang depensa ng akusado ay mahina at hindi kapanipaniwala. (Ulat ni Jerry Botial)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am