Ito ang hiniling ng grupo ng Chamber of Commerce and Industry ng Valenzuela City kay Mendoza at Mayor Bobbit Carlos upang kaagad umanong makatugon ang mga ito sa sandaling magkaroon ng kidnapping incident sa lungsod.
Kaugnay nito, nagpahayag din ang grupo na manatili sila sa Valenzuela City dahilan sa dito umano lumalago ang kanilang mga negosyo at hindi umano solusyon ang paglipat upang makaligtas sila sa mga kidnappers.
Sinabi naman ni Atty. Carmelita Lozada, secretary ng chamber na naniniwala umano sila sa kakayahan at integridad ng mga opisyal ng lungsod sa pagpapatupad ng katahimikan dito kung kayat mananatili pa rin sila rito.
Bukod sa karagdagang isandaang pulis, humihingi rin sila ng mga mobile cars upang kaagad na makapagresponde ang mga ito lalo na sa mga remote areas sa Valenzuela lalo na kung gabi. (Ulat ni Gemma Amargo)