^

Metro

100 dagdag na pulis sa Valenzuela hiniling

-
Dahilan sa sunud-sunod na insidente ng kidnapping sa Valenzuela, humingi ng karagdagang isandaang pulis kay Philippine National Police (PNP) director General Leandro Mendoza ang grupo ng mga Filipino-Chinese businessman sa lungsod.

Ito ang hiniling ng grupo ng Chamber of Commerce and Industry ng Valenzuela City kay Mendoza at Mayor Bobbit Carlos upang kaagad umanong makatugon ang mga ito sa sandaling magkaroon ng kidnapping incident sa lungsod.

Kaugnay nito, nagpahayag din ang grupo na manatili sila sa Valenzuela City dahilan sa dito umano lumalago ang kanilang mga negosyo at hindi umano solusyon ang paglipat upang makaligtas sila sa mga kidnappers.

Sinabi naman ni Atty. Carmelita Lozada, secretary ng chamber na naniniwala umano sila sa kakayahan at integridad ng mga opisyal ng lungsod sa pagpapatupad ng katahimikan dito kung kaya’t mananatili pa rin sila rito.

Bukod sa karagdagang isandaang pulis, humihingi rin sila ng mga mobile cars upang kaagad na makapagresponde ang mga ito lalo na sa mga remote areas sa Valenzuela lalo na kung gabi. (Ulat ni Gemma Amargo)

BUKOD

CARMELITA LOZADA

CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

GEMMA AMARGO

GENERAL LEANDRO MENDOZA

MAYOR BOBBIT CARLOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

VALENZUELA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with