Bukod sa nabanggit na kaparusahan, pinagmumulta rin ng korte ng halagang P3 milyon ang akusadong si Andrew Ibeck Manamalon.
Base sa desisyong inilabas ni Judge Roberto Diokno ng Makati RTC Branch 62, hindi na isinama sa hinatulan ang kasamahan ni Manamalon na nakilalang si Peter Ike Ninaobodo, isa ring Nigerian national makaraang mamatay habang nakapiit sa Makati City Jail. Hindi naman binanggit kung anong sakit ang ikinamatay nito.
Base sa rekord ng korte, ang dalawa ay dinakip ng mga tauhan ng NARCOM at Bureau of Customs noong nakalipas na Oktubre 28, 1998 sa kanilang tinitirhan sa Unit 446 Cityland Condominium 9 sa Dela Rosa St., Makati City dahil sa pag-iingat ng may 439 gramo ng cocaine.
Nabatid na nakalagay ang nasamsam na cocaine sa loob ng dalawang brown envelope kasama ang isang manika at bulaklak na plastic package.
Dahil sa mga ebidensiyang isinumite sa korte laban sa nasabing dayuhan kayat habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)