^

Metro

Habambuhay sa Nigerian nahulihan ng cocaine

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol ng Makati City Regional Trial Court sa isang Nigerian national na nahulihan ng mahigit sa 400 gramo ng cocaine noong 1998.

Bukod sa nabanggit na kaparusahan, pinagmumulta rin ng korte ng halagang P3 milyon ang akusadong si Andrew Ibeck Manamalon.

Base sa desisyong inilabas ni Judge Roberto Diokno ng Makati RTC Branch 62, hindi na isinama sa hinatulan ang kasamahan ni Manamalon na nakilalang si Peter Ike Ninaobodo, isa ring Nigerian national makaraang mamatay habang nakapiit sa Makati City Jail. Hindi naman binanggit kung anong sakit ang ikinamatay nito.

Base sa rekord ng korte, ang dalawa ay dinakip ng mga tauhan ng NARCOM at Bureau of Customs noong nakalipas na Oktubre 28, 1998 sa kanilang tinitirhan sa Unit 446 Cityland Condominium 9 sa Dela Rosa St., Makati City dahil sa pag-iingat ng may 439 gramo ng cocaine.

Nabatid na nakalagay ang nasamsam na cocaine sa loob ng dalawang brown envelope kasama ang isang manika at bulaklak na plastic package.

Dahil sa mga ebidensiyang isinumite sa korte laban sa nasabing dayuhan kaya’t habambuhay na pagkabilanggo ang naging hatol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANDREW IBECK MANAMALON

BUREAU OF CUSTOMS

CITYLAND CONDOMINIUM

DELA ROSA ST.

JUDGE ROBERTO DIOKNO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY JAIL

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

PETER IKE NINAOBODO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with