Batay sa rekord ng korte, ang mga akusadong sina Romeo Navarette, Pablo Santos at Manolito Agustin ay pinatawan ng parusang kamatayan makaraang kumpirmahin ng Korte Suprema ang desisyon ng mababang hukuman laban sa mga ito.
Batay sa rekord ng korte, inabuso ni Navarette ang anak niyang dalagita noong 1994 sa loob ng kanilang tahanan sa Nueva Vizcaya.
Kasabay nitoy, kinumpirma din ng SC ang parusang bitay kay Santos makaraang mapatunayan na ginahasa nito ang kanyang sariling anak noong 1995 habang nasa ibang bansa ang ina ng biktima.
Habang si Agustin naman ay sinentensiyahan din na mabitay dahil sa panghahalay sa kanyang anak noong 1997 sa Paniqui, Tarlac.
Ang huling akusado na si Hilgem Nerio, dating field coordinator ng ABS-CBN Radio Bacolod ay hinatulan din ng bitay matapos na gahasain nito ang kanyang 70-anyos na dating guro. (Ulat ni Grace Amargo)