Magnanakaw na pinagkamalang aswang, binoga
October 12, 2001 | 12:00am
Napagkamalang aswang ng isang security guard ang isang magnanakaw na umakyat sa bubungan ng kanilang barracks sanhi upang barilin niya ito, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Nasa kritikal na kondisyon sa loob ng Rizal Medical Center ang napagkamalang aswang na si Eduardo Castillo, residente ng Taguig, Metro Manila.
Nabatid na nagtamo ng isang tama ng bala buhat sa kalibre. 38 baril si Castillo nang paputukan ng sikyung si Esteban Comador, 35, ng Almagon Security Agency.
Sinabi ni Comador na nakahiga na umano siya dakong alas-11 ng gabi nang maalimpungatan nang marinig ang malakas na galabog sa bubungan ng barracks.
Dahil sa likas na naniniwala sa mga aswang, nilukuban ng takot ang sikyu kaya kinuha agad ang kanyang baril at pinaputukan ang kumakaluskos sa bubungan.
Nahulog sa lupa si Castillo nang mahagip ng bala ng baril. Agad naman itong isinugod ni Comador sa pagamutan nang makitang hindi aswang kundi isa palang akyat-bahay ang kanyang tinamaan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended