^

Metro

Nanguna sa paglusob sa Malacañang: Walang bail sa Erap loyalist leader

-
Walang nirekomendang piyansa ang Manila Regional Trial Court sa Erap loyalist leader na siyang namuno sa naganap na paglusob sa Malakanyang noong Mayo uno.

Ito ay makaraang pormal na sampahan ng kasong rebelyon si Ronald Lumbao sa tanggapan ng State Prosecutor sa Maynila kahapon ng umaga.

Ang pagsasampa ng kasong rebelyon na may nakalaang parusang kamatayan ay base sa mga nakalap at iniharap na ebidensiya ng intelligence service ng AFP at ng National Bureau of Investigation.

Ang 40-anyos na dating street parliamentarian na biglang umiba ng ideolohiya ay kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad.

Ang partisipasyon ni Lumbao na pangulo at spokesperson ng People’s Movement Against Poverty ay ang paghihikayat nito sa libu-libong mga tagasuporta ng napatalsik na Pangulong Joseph Ejercito Estrada na magmartsa patungong Malacañang at pasukin ito upang makubkob ang Palasyo.

Base sa iniharap na mga dokumento ay sinasabi na lumabag si Lumbao sa Article 134 ng Revised Penal Code o Rebellion.

Ginamit sa iniharap na dokumento ang direktang pananalita ni Lumbao na nagsasaad ng... ‘Lusubin ang Malacañang! Lusob, Lusob! Ngayon na, ngayon na, lusob na, lusob!’

Sa resolusyon naman na iniharap ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ay sinasabi na namuno si Lumbao ng napakalaking bilang ng Pro-Estrada rallyist sa EDSA Shrine at hinikayat itong lusubin ang Malacañang at patalsikin si President Gloria Macapagal-Arroyo. (Mga Ulat nina Andi Garcia at Grace Amargo)

ANDI GARCIA

GRACE AMARGO

LUMBAO

LUSOB

MALACA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MGA ULAT

MOVEMENT AGAINST POVERTY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG JOSEPH EJERCITO ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with