Muslim magkakaroon ng representante sa Manila City Council

Dahil sa sunod-sunod na reklamo ng pananakot at pang-aabuso laban sa kanila, sa wakas magkakaroon na ng kanilang sectoral representative sa City Council ang Muslim Community at iba pang ethnic minority groups sa Maynila.

"Naniniwala kami na panahon na para magkaroon ng representasyon ang Muslim at iba pang ethnic minority groups sa local legislative body na dito nila puwedeng idaing ang kanilang mga suliranin at mga pangangailangan", pahayag ni Manila Mayor Lito Atienza sa kanyang pakikipag-usap sa mga representante ng Muslim Communities na ginanap sa Manila City Hall.

Ang naturang plano ay isinagawa matapos ang sunod-sunod na reklamo ng harrasment at pang-aabuso laban sa Muslim community at iba pang ethnic groups ng umano’y mga city hall at police officials.

Tinatayang aabot sa 100,000 o 20 porsiyento ng total population sa siyudad ay Muslim. Ang mga ito ay kadalasang matatagpuan sa Quaipo, San Andres, Sampaloc, Baseco at Malate.

Idinagdag pa nito na ang general assembly ng Muslim leaders ay isasagawa sa susunod na linggo para mabigyan sila ng pagkakataon na pumili kung sino ang kanilang iuupo bilang sectoral representative sa local legislative body, isang aksyong inaayunan ng Local Government Code. (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments