^

Metro

Pagkain ng mga preso mahigpit na minomonitor

-
Hinigpitan kahapon ni Bureau of Corrections (BUCOR) Director Ricardo Macalla ang tungkulin ng Food Monitoring Committee makaraang matuklasan nito ang ginagawang pandaraya ng ilang supplier ng pagkain sa mga bilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sinabi ni Macalla na bukod sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga menu na inihahanda para sa mga bilanggo, ang nasabing komite ay inatasan na rin na bantayan ang mga pagkaing dinadala sa NBP upang matiyak na ang mga pagkain ay hindi pinapalitan ng mga katulad na produkto ngunit sa mas mababang kalidad.

Ayon pa kay Macalla, nakatanggap siya ng impormasyon na mayroong ilang supplier ng pagkain na sadyang pinapalitan ng mas mababang kalidad ang mga dinadala nito sa NBP upang makatipid hindi tulad ng mga produkto nito na iniharap sa kanilang bidding committee.

Nabatid na ang naturang Food Monitoring Committee ay pinamunuan ni Fr. Robert Olaguer at binubuo ng ilang representative mula sa iba’t-ibang non-government organizations at mga representante ng mga mismong inmate sa NBP.

Idinagdag pa ni Macalla na binuo ang nabanggit na komite matapos na mapaulat na mahigit 100 bilanggo mula sa Medium Security Compound ng NBP ang napaulat na nalason mula sa isdang kinain nito noong gabi ng Agosto 16. (Ulat ni Grace Amargo)

AGOSTO

BUREAU OF CORRECTIONS

DIRECTOR RICARDO MACALLA

FOOD MONITORING COMMITTEE

GRACE AMARGO

MACALLA

MEDIUM SECURITY COMPOUND

NEW BILIBID PRISONS

ROBERT OLAGUER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with