Kung bakit, sakaling maamyendahan ang isang ordinansa, posible nang makatay ang mga ito. At kung kakatayin siyempre pa baka sila gawing pulutan ng mga manginginom.
Ang pag-amyenda sa Sec. 26 ng Ordinance 1902 o City Ordinance Abating dogs which are nuisance ay inihain ni Konsehal Julio Logarta Jr. ng ika-anim na distrito ng Maynila upang magkaroon ng mas mahigpit na batas sa naturang ordinansa.
Ang mga asong tinutukoy sa naturang ordinansa ay ang mga nakaka-istorbo sa katahimikan ng kanilang lugar. Ito yaong mga iskandalosa at iskandaloso o iyong tahol nang tahol. Isama na rin dito yaong hindi na kaaya-ayang tingnan dahil sa abnormalidad o aksidente.
Kung mapapatunayang napabayaan na ng mga may-ari ang kanilang alagang aso, sa bisa ng reklamo ng limang kapitbahay ay iuutos ang pag-aalis sa naturang aso sa kanilang lugar o ang pagpatay dito sa loob ng tatlong araw.
Sa kanyang inihaing pag-aamyenda, isinama ng konsehal ang mga asong makikitang dumudumi sa kalsada at ang pagbibigay kapangyarihan sa Punong Barangay na siyang gumawa ng marapat na hakbang kung hindi natupad ng may-ari ang kanyang responsibilidad. (Ulat ni Andi Garcia)