^

Metro

Muslim school sa MM iko-convert sa sharias

-
Tiniyak kahapon ni Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo sa mga Filipino-Muslims sa Metro Manila na hahanap ang pamahalaan ng epektibong paraan para ma-convert ang ilang paaralang natatayo sa Muslim communities sa ‘sharias’ o Muslim schools na dito maaaring ituro ang Arabic.

Ang pagtiyak ay ginawa ng Pangulo sa isinagawa niyang pagsasalita sa pagdiriwang ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan (KALAHI) Community Day sa Muslim Mosque grounds sa Malacañang.

Sa kanyang pagsasalita, sinabi ng Pangulo na hihingi ng tulong ang pamahalaan sa Saudi Arabian Embassy sa Manila para sa panukalang Muslim schools na magkakaroon ng Arabic teachers.

"Maaari nating i-convert sa Muslim schools ang mga paaralan natatayo sa kanilang komunidad na nadodominahan ng Muslim residents," dagdag pa ng Pangulo.

Nauna dito, nakipagdiyalogo ang Pangulo sa mga Muslim leaders na humiling sa Department of Education na ma-exempt ang mga Muslim students sa pagsusuot ng school uniforms at shorts sa kanilang physical education classes dahil ito umano ay hindi tinatanggap ng kanilang cultural practices.

COMMUNITY DAY

DEPARTMENT OF EDUCATION

FILIPINO-MUSLIMS

KAPIT-BISIG LABAN

METRO MANILA

MUSLIM

MUSLIM MOSQUE

PANGULO

PANGULONG GLORIA-MACAPAGAL ARROYO

SAUDI ARABIAN EMBASSY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with