Ang gagawing pagbebenta ng murang bigas ay inihayag ni NFA Administrator Anthony Abad nang humarap ito sa Kongreso sa pagdinig ng budget ng ahensiya sa 2002 na nagkakahalaga ng P33.78 bilyon.
Inaasahang makikinabang sa nasabing programa ang may dalawang milyong Filipino na kabilang sa pinakamahirap na mamamayan sa bansa.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng bigas na ipinagbibili ng NFA ay umaabot sa P20.18 per kilo na ipinagbibili ng kanilang mga accredited dealers.
Ang mga buyers ng nasabing murang bigas ay kinikilala sa pamamagitan ng mga rice withdrawal "passbooks" na inisyu ng NFA.
Ayon kay Abad, ang murang bigas ay ipinagbibili rin sa mga coconut farmers sa pamamagitan ng Coconut Farmers Food Access Program at sa mga pamilyang nasa talaan ng Focus Rice Distribution ng DSWD. (Ulat ni Malou Rongalerios)