^

Metro

NFA magbebenta ng bigas sa halagang P14 per kilo

-
Maglalabas ng 250,000 metric tons na bigas ang National Food Authority (NFA) na ibebenta lamang sa napakababang halagang P14 per kilo.

Ang gagawing pagbebenta ng murang bigas ay inihayag ni NFA Administrator Anthony Abad nang humarap ito sa Kongreso sa pagdinig ng budget ng ahensiya sa 2002 na nagkakahalaga ng P33.78 bilyon.

Inaasahang makikinabang sa nasabing programa ang may dalawang milyong Filipino na kabilang sa pinakamahirap na mamamayan sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng bigas na ipinagbibili ng NFA ay umaabot sa P20.18 per kilo na ipinagbibili ng kanilang mga accredited dealers.

Ang mga buyers ng nasabing murang bigas ay kinikilala sa pamamagitan ng mga rice withdrawal "passbooks" na inisyu ng NFA.

Ayon kay Abad, ang murang bigas ay ipinagbibili rin sa mga coconut farmers sa pamamagitan ng Coconut Farmers Food Access Program at sa mga pamilyang nasa talaan ng Focus Rice Distribution ng DSWD. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ABAD

ADMINISTRATOR ANTHONY ABAD

AYON

COCONUT FARMERS FOOD ACCESS PROGRAM

FOCUS RICE DISTRIBUTION

INAASAHANG

KONGRESO

MAGLALABAS

MALOU RONGALERIOS

NATIONAL FOOD AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with