3 pang suspect na pumaslang sa NBI agent, 2 assets tugis
October 6, 2001 | 12:00am
Ginagalugad ngayon ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Islamic Center sa Quaipo, Maynila matapos na makakuha ng impormasyon na dito nagtatago ang tatlo pang suspect na sangkot sa pagpaslang sa isang NBI agent at dalawang informant ng bureau sa nabigong drug-bust operation noong Miyerkules ng gabi sa Fairview, Quezon City.
Ayon kay NBI-OIC Atty. Lolito Utitco, patuloy ang ginagawang pagtugis ng pinagsanib na puwersa ng NBI-Special Action Unit at Dangerous Drug Division sa mga tatlo pang nakatakas na suspect na ayon sa ulat ay naglulungga sa Quiapo o di kaya ay sa Taguig.
"Hindi naman natin sinasabi na pupuwersahin at tatakutin natin ang mga kapatid nating Muslim sa Islamic Center kundi kailangang mabatid kung posibleng dito nga nagtago ang mga suspect", pahayag ni Atty. Utitco.
Magugunitang sa pumalpak na drug operation napatay si NBI agent Teddy Colcoli, habang dalawang pang asset ng bureau ang pinaslang din ng grupo ng mga drug traffickers.
Ang labi ni Colcoli ay nakatakdang dalhin sa kanyang lalawigan sa Baguio. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am