20-M ipon ng balo inipit ng banko
October 4, 2001 | 12:00am
Nagulantang ang isang lalake nang kanyang malaman na ang mahigit na P20M panghabambuhay na ipon ng kanyang 77-gulang na inang balo ay nai-freeze ng isang banko sa Valenzuela City.
Ayon kay Paul Lee, noong Setyembre 19, 2001, sinubukang niyang mag-withdraw ng pera mula sa International Exchange Bank (IBank), Valenzuela branch para gugulin sa personal na pangangailangan ng kanyang ina at para na rin magamit sa kanilang negosyo.
Nagulat siya nang tumanggi ang IBank na makapag-withdraw sa bangko. Ayon sa kanya, ang ibinigay raw na dahilan ng mga opisyal ng banko sa pagpigil ng ipon ng kanyang ina ay alinsunod sa utos mula sa kanilang "head office". Ang masakit pa nito, ayon pa rin kay Mr. Lee, walang maibigay na tugon ang IBank kung bakit may ganoong klaseng utos ang kanilang head office.
Bilang isang mabuting kliyente ng IBank, di akalain ni Mr. Lee na magagawa ito sa kanya ng naturang banko lalong-lalo na sa kanyang balong ina na nagtiwala nang husto para ilagak sa IBank ang kanyang pinakakaingatang ipon.
Dahil dito, kaya napilitang idulog sa korte ang usaping i na ngayon ay dinidinig sa Regional Trial Court ng Makati.
Ayon sa mga abogado ni Mr. Lee na sina Atty. Reynald Suarez, David Narvasa at Jose Absalom Jocom, Jr. ng Suarez and Narvasa Law Firm, ang kasong kanilang sinampa laban sa IBank ay para sa damages at humihingi rin sila ng temporary restraining order mula sa korte para muling mapayagang makapag-withdraw si Mr. Lee at ang inito.
Sa sagot ng IBank sa kasong isinampa laban sa kanila ni Mr. Lee, kaya raw pinigilan nilang ma-withdraw ang pera ng ina nitong huli dahil sa utang ng Clotheman Knitting Corporation, isa sa mga kompanya ni Mr. Lee, sa IBank na kanilang ikinonsidera na due and demandable na.
Ito ay ipinaabot kay Mr. Lee sa pamamagitan ng sulat na nilagdaan ng IBank Executive Vice President Beatriz Romulo. Dahil may surety agreement na nilagdaan si Mr. Lee sa kanilla, marapat lamang napigilan ang deposito ng kanyang ina dahil ito ay parehong na sa pangalan nila ni Mr. Lee.
Ayon kay Mr. Lee, walang karapatang ideklara ng IBank na "due ang demandable" na ang utang ng kanilang kompanya dahil nagbabayad naman sila sa oras. Isa pa, ayon pa rin sa kanya, kung saka-sakaling mang due and demandable na ang kanilang pagkakautang, kinakailangang may paunawa ang bangko para naman makapaghanda sila lalong-lalo na ang kanyang 77 gulang na ina na walang ibang inaasahan kundi ang ipon niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest