^

Metro

8-buwang sanggol minolestiya ng Japanese tourist

-
Nahaharap sa kasong statutory rape at child abuse ang isang Japanese national matapos itong maaresto ng mga awtoridad na nakita sa isang itinanim na video camera na aktuwal na minomolestiya ang walong buwang sanggol na babae na pamangkin ng kaniyang live-in partner sa Parañaque City.

Sa sketchy report na nakalap mula sa tanggapan ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief, P/Director Nestorio Gualberto, kinilala ang nadakip na manyakis na Hapon na si Yokitoshi Matsushita, 53, at residente ng Guerrero Compound, San Antonio Valley sa nasabing lungsod.

Ang suspek ay dinakip kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng kanyang tahanan ng pinagsanib na puwersa ng PNP-CIDG, National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) matapos na ireklamo sa pulisya ng sarili niyang live-in partner na si Jessica Ebo, 29.

Napag-alaman na pamangkin ni Ebo ang walong-buwang sanggol na babae na pinagsamantalahan ng suspek.

Ayon sa testimonya ni Ebo sa PNP-CIDG, una umano niyang napansin ang kakaibang kilos ni Matsushita noong Setyembre 29 nang mahuli niya ito sa akto na walang pang-ibabang saplot at nasa harapan ng natutulog na sanggol.

Nagdahilan umano ang suspek na wala siyang ginagawang masama at naiinitan lamang siya kung kaya nakahubad.

Natuklasan ni Ebo na may sinusukang semilya ang kanyang pamangkin na nabuong hinala ay nagdesisyon ito na hulihin sa akto ang live-in partner sa pamamagitan ng paglalagay ng lihim na video camera sa loob ng kanilang silid.

Kamakalawa ng umaga ay laking-gulat ng complainant nang makita mismo niya mula sa video-camera ang nakahubad na suspek na nagsasagawa ng "oral sex" sa sanggol at pagdaka’y tuluyang ginahasa ang biktima.

Dahil sa nadiskubreng kahayupan ng banyaga ay nagdesisyon na si Ebo na magsumbong sa kinauukulan, na agad namang nagresponde at dinakip ang suspek kamakalawa ng gabi.

Si Matsushita ay kinasuhan ng kasong statutory rape at paglabag sa RA 7610 o child abuse sa Parañaque Prosecutor’s Office kahapon ng umaga at ito ay ipapa-deport pabalik sa kanyang bansa. (Ulat nina Andi Garcia,Joy Cantos at Butch Quejada)

vuukle comment

ANDI GARCIA

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO

EBO

GUERRERO COMPOUND

JESSICA EBO

JOY CANTOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with