^

Metro

2 Indonesian tiklo sa pekeng US visa

-
Dalawang Indonesian national ang hinuli ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport Centennial Terminal 2 dahil sa pag-iingat ng pekeng US visa sa kanilang mga passport matapos matuklasan na ang mga ito ay papunta sa Estados Unidos gamit ang Pilipinas bilang jump-off point.

Kinilala ni BI Commissioner Andrea D. Domingo ang mga suspects na sina Mahmudin at Mohamad Mahfud na dumating sa nasabing paliparan sakay ng eroplanong Philippine Airlines flight PR-502 galing Singapore.

Ayon kay Domingo, nagduda ang immigration officer on duty na peke ang visa ng dalawa kaya tinawagan nila ang US Embassy para magpadala ng kinatawan sa airport upang personal na maiksamin nito ang dalang passports ng mga suspects.

"Pinatungan ang litrato sa visa, ayon sa ahente ng Anti-Fraud Unit ng US Embassy sa Manila," ani Domingo.

Gayunman, sinabi ni Rodolfo Gino, NAIA 2 immigration supervisor na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon hinggil sa pagkatao ng dalawang suspects at sino ang nagbigay sa kanila ng pekeng US visa. (Ulat ni Butch Quejada)

ANTI-FRAUD UNIT

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER ANDREA D

DALAWANG INDONESIAN

DOMINGO

ESTADOS UNIDOS

MOHAMAD MAHFUD

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT CENTENNIAL TERMINAL

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with