Helper nilason sa gitna ng inuman
October 3, 2001 | 12:00am
Hindi akalain ng isang 43-anyos na kamatayan ang kahahantungan ng kanyang masayang pakikipag-inuman matapos na mamatay ito dahil sa pagkalason buhat sa mga nainom niyang alak, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Nakilala ang biktima na si Feliciano Medis, stay-in helper sa may #73 Chorillo St., Brgy. Barangka, Marikina City. Dinala na ang bangkay nito sa PNP-Crime Laboratory sa Camp Crame para sa kaukulang pagsusuri ukol sa naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na nakipag-inuman ang suspect kamakalawa ng gabi sa kanyang mga kaibigan. Dakong madaling-araw na nang umuwi ito sa tinutuluyang bahay na lasing na lasing.
Sinabi ng kanyang among si Elmer Lalaguna, 58, na narinig umano niyang umiiyak sa sakit ang biktima dakong alas-3 ng madaling-araw. Nang kanya itong puntahan ay inireklamo nito ang matinding pananakit ng kanyang sikmura.
Agad na humingi ng saklolo si Lalaguna sa Marikina Rescue 161 na agad namang rumesponde. Unang inakala ni Arlie Andres ng Rescue 161 na kailangan lamang nito ng pahinga dahil sa tama ng alak sa katawan nito.
Papaalis na sana ang grupo nang mui silang tawagin pabalik ni Lalaguna nang makitang bumubula na ang bunganga ni Medis. Hindi na nagawa pang maisakay sa dala nilang ambulansya ang biktima nang bawian na ito ng buhay.
Isang malalim na imbestigasyon naman ang isinasagawa ngayon ng pulisya upang makilala ang mga kainuman ng biktima dahil sa paniwalang isa sa mga ito ang may galit sa biktima at naglagay ng lason sa inuming alak ni Medis. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest