^

Metro

Fixer sa PRC timbog

-
Ito’y isang babala.

Huwag palilinlang sa mga naglipanang mga fixer sa Professional Regulation Commission (PRC).

Ito ang ikinabahala ni Antonieta Fortuna-Ibe, bagong chairperson ng komisyon sa kanyang paglulunsad ng isang malawakang pagtugis sa mga miyembro ng sindikato at sa kanilang mga kasabwat.

Kaagad tinipon ni Ibe ang kanyang mga hepe matapos madakip ang isa sa mga naturingang pinaka-notorious na fixer sa komisyon.

Sa isang "entrapment operation" sa pangunguna ng National Bureau of Investigation (NBI) at PRC, nadakip kamakailan si Armi Menor Liguid sa may España, Manila. Nadakip din ang kanyang asawang si Mario Manalo Liguid.

Nakatakda diumano si Laguid na kunin ang "balance of payment" mula sa kanyang pinakahuling biktima, isang examinee sa darating na licensure examination para sa mga civil engineer.

Ginagamit umano ni Liguid ang pangalan at posisyon ni Amelia Empaynado, hepe ng Licensure Office ng PRC para makumbinsi ang mga biktima sa tiyakan nilang pagkapasa sa licensure examination.

Ayon sa iba pang biktima, mula P30,000 hanggang P100,000 ang hinihinging "fee" ni Liguid.

Napag-alaman na daan-daan na ang bilang ng mga naging biktima ni Liguid mula pa noong 1997.

Karamihan sa mga ito ay mula sa probinsiya, partikular sa Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Tarlac, Zambales, La Union, Baguio, Cebu at Davao.

vuukle comment

AMELIA EMPAYNADO

ANTONIETA FORTUNA-IBE

ARMI MENOR LIGUID

LA UNION

LICENSURE OFFICE

LIGUID

MARIO MANALO LIGUID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with