^

Metro

Eroplano ng Kano hiling gamitin sa paglilikas sa mga OFW

-
Milyong dolyar ang halaga ng gugugulin para maiuwi ang milyong overseas Filipino workers na nasa Gitnang Silangan at direktang maaapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Amerika at ng Afghanistan. Hindi ito kaya ng bumabagsak na ekonomiya ng Pilipinas kaya naman iminungkahi ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA) na eroplano ng United States of America ang gagamitin sa paglilikas ng mga overseas Filipino workers na maiipit sa giyera laban sa terorismo.

Nabatid na pinagtutuunan ngayon ng Labor Department at OWWA ang posibilidad ng isang agaran at puspusang paglilikas.

Magugunitang may mga ulat na nasa loob na ng Afghanistan ang pinagsanib na puwersa ng US at British troops at kasalukuyang minomonitor ang movement ng mga terorista.

Batay sa ginagawang pag-aaral ng DOLE at OWWA, posibleng ma-escalate ang kaguluhan at maapektuhan ng mga bagong kaganapan ang mga manggagawa sa 9 na bansa sa Gitnang Silangan kung kaya dapat ding pagtuunan ang ibang mga pamamaraan at resources para sa maramihang repatration.

Ayon kay OWWA Administrator Wilhelm Soriano, hindi maaalis ang posibilidad na kumalat ang kaguluhan sakaling magsimula nang umatake ang US kaya’t tinitingnan nila ang posiblidad na isusuhestiyon sa foreign department na hiramin ang serbisyo ng mga aircraft ng Kano para magamit sa maramihang paglilikas. (Ulat ni Andi Garcia)

ADMINISTRATOR WILHELM SORIANO

AMERIKA

ANDI GARCIA

AYON

BATAY

GITNANG SILANGAN

LABOR DEPARTMENT

OVERSEAS WORKERS WELFARE ASSOCIATION

UNITED STATES OF AMERICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with