Preso natodas sa pagtalon mula sa 3rd floor
October 2, 2001 | 12:00am
Sa pagnanais na makatakas mula sa pagkakakulong, isang 33-anyos na preso ang tuluyang namatay matapos na tumalon ito mula sa ikatlong palapag ng gusali ng Mandaluyong City Jail, kamakalawa ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang nakilalang si Melchor dela Cruz, may asawa at residente ng Calubornay Paracale, Camarines.
Sa ulat ng Mandaluyong City Jail, naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng hapon. Inilabas umano si dela Cruz sa ikatlong palapag ng gusali mula sa kanyang detention cell at kinukuhanan ng impormasyon ni JO3 Erwin Calzita nang magpaalam ito para umihi.
Pinayagan naman ito ni Calzita at tinanggalan ng posas ang biktima bago sinamahan patungong palikuran. Nakakuha ng pagkakataon si dela Cruz nang bigla itong manakbo patungo sa bukas na bintana.
Tinangka namang pigilan ng dalawang jailguards ang pagtakas ng biktima ngunit nagpumiglas si dela Cruz at tuluyang tumalon sa kanyang kamatayan.
Sinabi ni Jail Warden C/Insp. Rosendo Dial na nakakulong ang biktima matapos na maaresto noong Setyembre 22 sa kasong robbery holdap sa kanto ng Shaw Blvd. at EDSA sa lungsod na ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest