Sa dokumentong isinampa kay Ombudsman Prosecutor Lourdes Padre Juan, si Lourdes N. Rafols, Cash Officer IV ng Pasay City Hall Office ay sasampahan ng kasong qualified theft o paglabag sa nakasaad sa Article 310 ng Revised Penal Code.
Nabatid na si Rafols ay kinasuhan ng Malversation of Public Daplas ng taong ito sa nabanggit na tanggapan.
Matapos akusahan ang nasabing kahera ay sangkot umano sa paglustay ng nabanggit na halaga ng pondo ng pamahalaang lungsod.
Hindi umano maipaliwanag ni Rafols kung saan napunta ang nabanggit kaya ito ay sinampahan ng kaso sa Ombudsman.
Sinikap ng pahayagang ito na makuha ang reaksyon ni Rafols pero wala sa kanyang opisina.
Ayon sa ilang kawani, ito ay isyung pulitika lamang at walang katotohanan ang akusasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)