Ang nakakainsultong pagbibiro ni Atienza ay isa lamang umano sa ilang kahiya-hiyang gawain ng konsehal ng Maynila.
Nangyari ang insidente habang nagpe-preside si Tan, committee chairman on peace, public order and safety at may-akda ng mungkahing ordinansa sa paglilipat ng mga oil depot.
Bigla na lamang umanong sumingit at pinahinto ni Atienza si Tan sabay wika umano ng "Nais ko lang pong ipaalam sa inyo na wala pong diperensiya ang ating mikropono.Si Tan ay may harelip na nagiging dahilan upang siya ay hirap magsalita."
Kapansin-pansin na walang natawa sa mga nakarinig at mismong isang kasamahang konsehal ni Atienza ang nagsabing sick joke umano ang ginawa nito at isang public display of utter disrespect for another councilor and the handicapped in general.
Handa namang tumestigo si Assistant Minority Floorleader Councilor Bernardito Ang na mayroon ding natural disability matapos na magkasakit ng polio laban kay Atienza kapag nagsampa na ng kaso si Tan. (Ulat ni Andi Garcia)