^

Metro

Bonnet gang umiskor sa pabrika

-
Natangay ng 10 armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng ‘‘Bonnet Gang’’ ang humigit kumulang sa P260,000 payroll money ng isang pabrika sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Batay sa reklamo ni Hernan King-Ty, may-ari ng Kimbells Packaging Inc., na nasa #45-A Congressional Road, Proj. 8, naganap ang insidente mga pasado alas-2 ng hapon.

Biglang pumasok umano sa loob ng compound ang mga naka-bonnet na suspek na armado ng matataas na kalibre ng baril at agad na tinutukan ng baril ang nabiglang guwardiyang si David Garcia.

Nagdeklara ang mga ito ng holdap kung saan naabutan pa umano ng mga suspek na nagpapasuweldo sa kanilang mga empleyado ang cashier ng kompanya.

Pinadapa umano ng mga suspek ang mga empleyado habang nililimas naman ng ibang kasamahan ng mga ito ang naturang pera na nakasilid sa dalawang karton ng sapatos at ipasasahod sana sa mga empleyado.

Kinuha rin ng mga suspek ang ilang personal na ari-arian ng mga empleyado pati ng mga mahahalagang kagamitan ng kompanya.

Pagkaraan ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay ng kanilang dalawang getaway cars na isang Isuzu Hi-Lander (WHR-188) at isang kulay gray na Mitsubishi. (Ulat ni Jhay Mejias)

A CONGRESSIONAL ROAD

BATAY

BONNET GANG

DAVID GARCIA

HERNAN KING-TY

ISUZU HI-LANDER

JHAY MEJIAS

KIMBELLS PACKAGING INC

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with