Kindergarten teacher inireklamo nang pananakit sa pupil
September 29, 2001 | 12:00am
Isang kindergarten teacher ang ipinagharap ng reklamo makaraang saktan at tusukin umano ng lapis sa mukha ang apo ng isang newshen sa Quezon City.
Batay sa reklamong isinampa ni Lily Reyes, reporter ng isang panghapong pahayagan sa CPD Station 9 kinilala nito ang nanakit na guro na si Nympha Protacio, 55, teacher sa Quirino Elementary School na matatagpuan sa Barangay Botocan, Quezon City.
Si Protacio ay sinampahan ng kasong child abuse sa Quezon City Prosecutors Office hinggil sa mga sugat na tinamo ng apo ni Reyes na nakilalang si Lenie Reyes, 5, kinder pupil sa nasabing eskuwelahan.
Sinabi ng biktima na dakong alas-11 ng umaga habang siya at ang isa niyang kaklase ay nag-uusap at nagpapalakihan ng lapis sa loob ng classroom ay biglang lumapit ang kanilang guro at pinagalitan ang biktima.
Hindi pa umano nasiyahan ang guro at inagaw ang hawak na lapis ng biktima at tinusok ng dalawang beses sa ulo at sa gilid ng mata ang bata.
Sa pangyayaring ito inireklamo ng lola ng bata sa principal ang guro subalit walang hakbang itong ginawa. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest