Ang mga kasong multiple murder at multiple counts of frustrated murder ang ikinaso laban sa mga hinihinalang terorista na itinuturong inatasan upang guluhin ang administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Batay sa complaint-affidavit na inihain ng National Bureau of Investigation , kabilang sa mga kinasuhan sina Hadji Onos, alyas Muklis; Col. Efren Torres; Sammy Arinday; Amir Dimaampo, Salvin Camama, Ibrahim Guindolongan, Roberto Ongot at Rogelio Cagadas na umanoy ginamit sa panggugulo at paghahasik ng kaguluhan.
Ayon sa reklamo, ang walo ay sangkot sa pagtatanim ng mga bomba sa LRT Blumentritt Station, Plaza Ferzugon, sa harapan ng US Embassy, Edsan Bus Lines sa Cubao,NAIA Centennial Air Cargo Parking Lot A at sa Petron Gas Station sa Edsa, Pasay City noong nakalipas na Disyembre 30, 2001.
Base sa ulat, si Arinday ang siyang nagsama sa grupo patungo sa Maynila para magsagawa ng panggugulo noong Oktubre 2000 at sa Muslim Areas nagkita-kita ang iba pang miyembro ng grupo.
Nanuluyan ang grupo sa Marantao Lodge na dito isinagawa ang pagpaplano. (Ulat nina Andi Garcia at Ellen Fernando)