6 pulis dawit sa pagdukot sa 3 trader, sinibak
September 28, 2001 | 12:00am
Dalawang opisyal ng Northern Police District (NPD) at apat nitong mga tauhan ang sinibak sa kanilang mga puwesto makaraang idawit ang mga ito sa kaso ng pagkidnap sa tatlong Muslim traders sa Maynila nitong nakaraang Setyembre 11.
Kinilala ang mga sinibak na sina Chief Insp. Michael Angelo Martin, Inspector Allarjing Medina, PO3 Arnold Asis, PO2 Pedro Gutierrez, PO2 Nilo dela Paz at PO2 Antonio Benda Jr., pawang mga naka-assigned sa District Police Intelligence Unit (DPIU) ng NPD.
Ang nasabing mga pulis-DPIU ay sinampahan ng mga kasong kidnapping, carnaping at robbe-ry sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) Intelligence and Investigation Division.
Ayon kay Sr. Supt. Cipriano Querol Jr., ng NCRPO-RIID chief, bukod sa mga kasong kriminal na nakatakdang isampa sa Department of Justice (DOJ), at nahaharap din sa administrative charges ang mga ito.
Ang anim na pulis-DPIU ay positibong kinilala ng kanilang mga biniktima sa pamamagitan ng mga retrato sa police gallery.
Kinilala ang mga complaints na sina Maca-Angoos Alawiya, Somera Alawiya, Jameel Maamor, Isagani Abdul, Ansary Alawiya at Zarah Langco, pawang mga negosyanteng Muslim.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni Maj. Sotero Ramos, hepe ng NCRPO-RIID counter intelligence, nitong Setyembre 11, dakong alas-10:00 ng umaga, ang biktimang sina Maca-Angoos Alawiya, Abdul at Langco ay sakay ng isang Mitsubishi Pajero na may plakang WKS-847 at bumabaybay sa kahabaan ng UN Avenue, Manila, nang sila ay bundulin ng isang kulay asul na Toyota Sedan.
Nabatid na nagsibaba ng sasakyan ang mga biktima upang tingnan kung may damage ang kanilang sasakyan, subalit nagulat sila nang bigla silang tutukan ng mga lalaking sakay ng kulay asul na kotse.
Isa sa mga suspect ang kumaladkad kina Maca-Angoos at Abdul papasok sa isang Toyota Sedan at ang mga ito ay piniringan ng mga mata, samantalang si Langco ay isinakay sa Pajero at dinala sa hindi pa matukoy na lugar.
Ayon sa mga biktima, ang mga kidnappers ay humihingi ng P3-milyon para sa kanilang kalayaan. Bukod sa pera, humihingi rin ang mga suspects ng dalawang kotse, isang Toyota Revo at Tamaraw FX.
Pumayag ang mga kidnapers na bigyan na lang sila ng P700,000 at dalawang kotse ng mga biktima, dagdag pa sa report.
Naganap ang bayaran sa Maxs restaurant sa Caloocan City at sa Casino Filipino Club sa Roxas Boulevard, sa Malate noong gabi ng September 11. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am