^

Metro

Pasyente tumalon mula sa ika-7 palapag ng pagamutan, patay

-
Basag ang bungo ng isang 26-anyos na lalake makaraang tumalon sa ika-pitong palapag ng East Avenue Medical Center, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Rafael Robillos, ng 77 Kalayaan Ext., Barangay Batasan Hills, Quezon sanhi ng pagkabasag ng bungo nito at pagkabali ng kanyang mga buto.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Central Police District- Criminal Investigation Unit dakong alas- 5:15 ng hapon ng maganap ang insidente sa nasabing pagamutan.

Ayon sa ulat, ang nasawi ay dinala sa naturang pagamutan ng kanyang kapatid na si Lydia Reyes sanhi umano ng madalas na pagsakit ng dibdib.

Ngunit habang tinitingnan ng doktor ay bigla na lamang itong nagpumiglas at nagwala.

Mabilis itong umakyat sa ika-pitong palapag ng gusali at nagtungo sa bintana.

Hanggang nataranta ang mga pasyente at mga doktor dahil sa akmang lulundag na ito kung kaya’t sinubukan ng ilang mga manggagamot at nurse na kumbinsihin ito, ngunit naging bingi ang biktima at walang sabi-sabi itong tumalon.

Hinihinalang hindi na makayanan ng biktima ang kanyang karamdaman kung kaya’t minabuti na lamang nito na tapusin na lamang ang kanyang buhay. (Ulat ni Jhay Mejias)

AYON

BARANGAY BATASAN HILLS

CENTRAL POLICE DISTRICT

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JHAY MEJIAS

KALAYAAN EXT

LYDIA REYES

QUEZON CITY

RAFAEL ROBILLOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with