Namatay noon din bunga ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Joetell Mallorca, ng No. 10 Fausto St., Manotok Subdivision, Marulas ng nabanggit na lungsod.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya dakong ala-1:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Fausto St. Napag-alaman na nagtungo ang grupo ni Chief Inspector Ramon Balaug ng CIDG-NCR kasama ang pitong tauhan upang aksiyunan ang nakalap nitong impormasyon tungkol sa umanoy talamak na bentahan ng droga at gunrunning operation ng suspect sa naturang lugar.
Isang buy-bust operation ang inihanda at sa aktong nagbebentahan ay biglang nakahalata ang suspect kung kaya mabilis itong nagbunot ng kanyang baril at pinaputukan ang operatiba, gayunman agad namang nakaganti ang isang tauhan ng CIDG at tinamaan ang suspect.
Sinabi naman ni Julio Mallorca, kapatid ng nasawi na nakita niyang duguan at nakahandusay na sa kalsada ang kanyang kapatid ay patuloy pa ring pinapuputukan ng mga tauhan ng CIDG. (Ulat ni Gemma Amargo)