^

Metro

Drug pusher patay sa bust-bust operation

-
Isang lalaki na pinaniniwalaang drug pusher at gun runner ang pinagbabaril hanggang sa napatay ng isang kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos na manlaban ang una sa grupo ng huli sa naganap na buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Namatay noon din bunga ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si Joetell Mallorca, ng No. 10 Fausto St., Manotok Subdivision, Marulas ng nabanggit na lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya dakong ala-1:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Fausto St. Napag-alaman na nagtungo ang grupo ni Chief Inspector Ramon Balaug ng CIDG-NCR kasama ang pitong tauhan upang aksiyunan ang nakalap nitong impormasyon tungkol sa umano’y talamak na bentahan ng droga at gunrunning operation ng suspect sa naturang lugar.

Isang buy-bust operation ang inihanda at sa aktong nagbebentahan ay biglang nakahalata ang suspect kung kaya mabilis itong nagbunot ng kanyang baril at pinaputukan ang operatiba, gayunman agad namang nakaganti ang isang tauhan ng CIDG at tinamaan ang suspect.

Sinabi naman ni Julio Mallorca, kapatid ng nasawi na nakita niyang duguan at nakahandusay na sa kalsada ang kanyang kapatid ay patuloy pa ring pinapuputukan ng mga tauhan ng CIDG. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CHIEF INSPECTOR RAMON BALAUG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

FAUSTO ST.

FAUSTO ST. NAPAG

GEMMA AMARGO

ISANG

JOETELL MALLORCA

JULIO MALLORCA

MANOTOK SUBDIVISION

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with