^

Metro

Misis hinalay sa harap ni mister

-
Walang kapantay na sakit ng damdamin ang naranasan ng isang mister nang gahasain sa kanyang harapan ang kanyang misis ng isa nilang kapitbahay habang tinututukan naman siya ng patalim at baril ng isa pang kasabwat nito, kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Dumulog sa himpilan ng pulisya ang mister na nakilalang si Regelito Lanoria, 42, mason, ng 225 Daang Bakal St., Barangay Bagong Silang at iniulat ang sinapit ng kanyang misis na si Elena na ginahasa ng kanilang kapitbahay na si Diego Soro na tumakas kasama ang kasabwat na si Jaime Guanzon.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling araw sa loob ng mismong bahay ng mag-asawang Lanoria.

Sa salaysay ni Regelito, nagising umano siya sa pagkakatulog nang marinig ang malakas na kalabog sa kanilang bubungan. Agad umano siyang lumabas ngunit wala siyang nakitang anuman sa kanilang bubungan.

Nang bumalik siya sa loob ng bahay ay sinalubong na siya ni Guanzon ng palo ng puluhan ng baril sabay tutok sa kanya.

Nasaksihan din niya ang ginawang paghuhubad at panghahalay ni Soro sa kanyang misis. Matapos ang ginawang panghahalay ay umiskor pa ng shabu si Soro at pinagamit pa ang kanyang misis. Ilang sandali pa ay mabilis na tumakas ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY BAGONG SILANG

DAANG BAKAL ST.

DANILO GARCIA

DIEGO SORO

DUMULOG

ELENA

JAIME GUANZON

MANDALUYONG CITY

REGELITO LANORIA

SORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with