^

Metro

Filipino X-Men lilitaw sa loob ng 5-10 taon

-
Hindi lamang sa sine totoo ang X-Men dahil sa loob ng 5 hanggang 10 taon ay lilitaw na umano ang mga generation X-men. Sila yaong mga batang tumanggap ng mga multiple vaccine simula pa noong 1995 sa mga pagamutang pribado man o publiko dahil ang kanilang bakuna ay nasangkapan ng mataas na dosis ng mercury o asoge.

Sa isang chemical reaction, ang asoge, kapag nahalo sa iba pang elemento at nakontamina ang sinuman lalo’t sanggol pa lamang ay magkakaroon ng immunity sa harsh effect at tuluyang dadaloy sa kanyang body system at dalawa lamang ang puwedeng mangyari: na ito ay maging inutil siya o kaya ay super genius o mayroong altered mutated genes na tulad ng mga super humans.

Maaaring napakahirap na paniwalaan, ngunit ang katotohanan na ito ay magaganap ay hindi nalalayo sa loob lamang ng 5 hanggang 10 taon.

Ito ang ibinulgar kahapon ni Dr. Nelia Cortez Maramba, hepe ng University of the Philippines-PGH National Poison Control and Information Service sa ginawang health forum sa Annabels, Quezon City kaugnay sa mga nakalalasong kemikal partikular na ang mercury-poisoning.

Nabatid kay Dr. Maramba na halos lahat ng vaccines na itinuturok sa mga sanggol simula sa kanilang pagsilang hanggang sa kanilang paglaki ay mercury-laced o nahaluan ng ‘ethyl mercury’ bilang preservatives sa mga bakuna tulad ng Hepa-B vaccine.

Ayon sa ginawa nitong pag-aaral, simula pa noong 1995 hanggang sa kasalukuyan, sinasangkapan ng nakalalasong ethyl mercury ang mga multiple vaccine na pinagkakaloob ng mga private at public health clinics para sa mga bata ngunit ito ay mahigpit na pinagbabawal sa Europe at maging sa United States of America matapos na malantad ang masamang epekto nito. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

ANNABELS

AYON

DR. MARAMBA

DR. NELIA CORTEZ MARAMBA

NATIONAL POISON CONTROL AND INFORMATION SERVICE

QUEZON CITY

UNITED STATES OF AMERICA

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with