Ito ang inihayag kahapon ni Deputy Director General Rex Piad, chief ng PNP directorial staff bunga na rin aniya ng kakulangan ng sapat na pondo ng hukbo para sa taong ito kung kaya posible umano na maantala ang pagbabayad ng benepisyo ng mga retiradong pulis.
Sinabi rin ni Piad na simula pa noong 1998 hanggang sa taong kasalukuyan ay marami pang bilang mga retiradong pulis ang hindi nakakakuha ng kanilang retirement benefits dahil nga sa maliit na pondo na hawak ng Pambansang pulisya.
Nagpahayag din ng pangamba si Piad na sakaling hindi agad malutas ang nasabing suliranin ay baka maging dahilan pa ito ng pag-aaklas ng mga PNP officers, partikular yaong nasa hanay ng mga magreretiro nang kagawad ng pulisya.
"Pero nilulutas naman ang problema na ito ay patuloy naming paggawa ng paraan para mailapit ito sa Kongreso," pahayag pa ng opisyal. (Ulat ni Joy Cantos)