Duelo: Pulis patay, sundalo sugatan
September 25, 2001 | 12:00am
Isang pulis ang nasawi, samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang isang sundalo matapos mag-duelo dahil lamang sa awayan sa lupa, kamakalawa ng gabi sa Taguig.
Hindi na umabot ng buhay nang isugod sa pagamutan ang biktimang si PO3 Renato Aggasid, 35, nakatalaga sa Camp Crame at naninirahan sa Katipunan Village, Brgy. Western Bicutan, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, nilalapatan naman ng lunas sa V. Luna Hospital si Army Sgt. Ricardo Labrador, na nakatalaga naman sa J-2, GHQ sa Camp Aguinaldo sanhi ng tinamong isang tama ng bala.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi kamakalawa sa San Francisco St. Katipunan Village, Taguig.
Napag-alaman na pinuntahan umano ni Labrador si Aggasid at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa maliit na lupa na inaangkin ng suspect.
Nagpalitan umano ng maaanghang na salita ang dalawa na humantong sa mainitang komprontasyon hanggang sa kapwa maglabas ng baril at nagbarilan.
Agad na napuruhan si Aggasid na nagtamo ng maraming tama sa katawan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended