Nakilala ang nasawi na si Aida de Saba, 35, tubong Bicol at naninirahan sa PNR Site, Purok 6, Brgy. Bayanan ng nabanggit na lungsod.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Arnel Pesigan, ng Muntinlupa Police dakong alas-6 kahapon ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabigti gamit ang isang nylon cord sa hindi naman gaanong kataasang kisame ng kanilang bahay ng kanyang biyenang nakilalang si Eufemia de Saba.
Nabatid na bago naganap ang pagpapatiwakal ng ginang ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nito at ng kanyang mister na hindi binanggit ang pangalan.
Umanoy nadiskubre ng ginang na may ibang babae ang kanyang asawa at maaaring sa matinding selos kaya nagawa nito ang pagpapatiwakal kahit pa nga buntis na siya ng walong buwan.
Samantala, inaalam pa ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkasawi ng ginang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)