^

Metro

8-buwang buntis nagbigti

-
Dahil sa matinding selos matapos na mabatid na may ibang babae ang kanyang mister, isang walong buwang buntis ang nagbigti, kahapon ng umaga sa loob mismo ng kanilang bahay sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nasawi na si Aida de Saba, 35, tubong Bicol at naninirahan sa PNR Site, Purok 6, Brgy. Bayanan ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Arnel Pesigan, ng Muntinlupa Police dakong alas-6 kahapon ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabigti gamit ang isang nylon cord sa hindi naman gaanong kataasang kisame ng kanilang bahay ng kanyang biyenang nakilalang si Eufemia de Saba.

Nabatid na bago naganap ang pagpapatiwakal ng ginang ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nito at ng kanyang mister na hindi binanggit ang pangalan.

Umano’y nadiskubre ng ginang na may ibang babae ang kanyang asawa at maaaring sa matinding selos kaya nagawa nito ang pagpapatiwakal kahit pa nga buntis na siya ng walong buwan.

Samantala, inaalam pa ng pulisya kung may naganap na ‘foul play’ sa pagkasawi ng ginang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AIDA

ARNEL PESIGAN

BAYANAN

BICOL

BRGY

DAHIL

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA POLICE

SABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with