Pagkamatay ng police official, may foul play
September 24, 2001 | 12:00am
Malaki ang posibilidad na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ng isang law student na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kamakailan sa Makati City.
Ayon sa isang mapapanaligang source mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), mayroon umanong foul play sa pagkamatay ng biktimang si Sr. Insp. Leo Esteban,30, residente ng Golden City Subd., Las Piñas City.
Una nang napaulat sa ilang pahayagan na pinaglaruan umano ni Esteban ang kanyang baril na 380 habang kasama ang suspect na si Sr. Insp. Enoc kung kayat ang biktima ay aksidente umanong tinamaan at idineklarang dead-on-the-spot.
Pero sinabi ng impormante na malaki ang posibilidad na sinadyang barilin ang biktima dahil sa matagal na umano itong nakakatanggap ng mga pagbabanta sa kanyang buhay simula nang magpalabas siya ng isang memorandum sa ilang kasamahan nito sa nasabing tanggapan dahil sa nahuli umano nito na nag-iinuman ang mga ito habang naka-duty.
Napag-alaman na matapos na isugod sa ospital ang opisyal ay agad na nilinis ang mga bahid ng dugo sa pinangyarihan ng insidente kabilang na ang pagpapalaki nang nabutas na kisame na tinamaan ng bala.
Lumalabas sa autopsy report na malapitang binaril ang biktima mula sa tinamong isang tama ng punglo sa tagilirang bahagi ng kanyang katawan na naglagos sa baga patungo sa puso.
Hinihinala na ang biktima ay pinagtulungang patayin sa loob ng sarili nitong tanggapan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended