Nainsulto sa pulutan, lalaki pumatay ng kainuman
September 24, 2001 | 12:00am
Isa ang patay habang malubha namang nasugatan ang isa pa katao makaraang pagsasaksakin ng kanilang kainuman matapos na mapikon ang huli sa pang-iinsulto ng mga biktima sa inihain nitong pulutan kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Arman Sardiva bunga ng tama ng saksak sa katawan habang nasa kritikal na kondisyon si Lito Labed, pawang stay-worker sa Alche enterprises na matatagpuan sa #3 Diamond St., Kaybiga, nasabing lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspect na si Amelito Visitacion na tumakas matapos ang ginawang krimen.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Romeo Mata, may hawak ng kaso, dakong alas-3 ng madaling-araw nang walang habas na pinagsasaksak ng suspect ang mga biktima na kanyang kainuman.
Nauna rito, naglabas umano ng pulutang dinuguan ang suspect upang ihain sa dalawang biktima na kanyang kainuman.
Nang makita ni Sardiva na dinuguan ang inihain ng suspect ay agad na nagsalita ang una na hindi umano siya kumakain ng gaanong klaseng ulam at saka tumawa ng malakas.
Agad na tumalikod ang nainsultong suspect hanggang sa magtungo sa kanilang kusina at paglabas ay dala ang isang patalim at walang sabi-sabing inundayan ang dalawa ng saksak. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended