Pulis, 3 pa tiklo sa drug bust
September 24, 2001 | 12:00am
Isang pulis na nakabase sa Quezon City at tatlong galamay nito ang nadakip ng mga kagawad ng Central Police District matapos ang isinagawang buy-bust operation kamakailan sa nasabing lungsod.
Sa naantalang ulat, ang pulis na sangkot umano sa pagbebenta ng illegal drugs ay kinilalang si SPO1 Eduardo Valle, 36, nakatalaga sa Police Community Precinct ng CPD-Station 10 at nakatira sa Phase C Lot 2 Blk. 13, Francisco Homes, San Jose del Monte, Bulacan.
Kasama sa mga inaresto ang mga suspect na sina Gilda Manacay, 44, ng Katuparan St., Brgy. Commonwealth; Ricardo Baluran at kapatid na si Maila,27, ng 36 Peralta St., Brgy. Pasong Putik, Novaliches, QC.
Ayon sa pulisya, nakatanggap ng isang impormasyon ang nasabing himpilan hinggil sa pagtutulak umano ng droga ng mga suspect hanggang sa bumuo ng isang team ang CPD.
Matapos na makipagnegosyon ang pulisya kay Valle ay nagpanggap na posuer buyer si PO1 Roderick Valencia.
Habang inaabot ang P500 marked money ni Valencia kay Valle kapalit ng ilang gramo ng shabu ay agad na dinakma ito ng mga nakapalibot na kagawad ng CPD.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA6425 ang suspect kasama ang tatlo umanong alalay nito na ngayon ay nakapiit sa CPD detention cell.(Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest