Inamin ni NBP director Ricardo Macala na sa kabila ng kanyang direktiba na ipatupad ang paghihigpit sa nasabing piitan ay nagkukulang pa rin aniya sa seguridad ang ilang prison guard.
Kayat masakit man aniyang tanggapin ang katotohanan ay nakakalusot pa rin ang mga ipinagbabawal na gamot at may hinala ang nasabing direktor na malayang nakikipagtransaksyon ang ilang mga presong tulak sa pamamagitan ng cellphone sa kabila ng paghihigpit na bawal magdala sa loob ng anumang gamit pang-komunikasyon.
Nabatid pa sa nasabing NBP director na ilang prison guard ang iniimbestigahan ng kanyang tanggapan dahil kasabwat umano sa ilang ilegal na aktibidades ng mga preso.
Sinabi ni Macala na aprubado na sa Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahilingan, bilang bahagi ng programa ng DOJ na maging moderno ang pasilidad sa Pambansang Piitan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)