Nakilala ang mga nadakip na sina Roberto Garcia, alyas Nestor Brigonia, 32 at Gregorio Trinidad, 33.
Nabatid sa pulisya na dakong alas-10:25 ng gabi ng maaresto ang dalawang bading makaraang ireklamo ng isang Maria Angelita de Guzman, empleyado ng Quezon City General Hospital at residente ng Congressional Village ng nabanggit na lungsod.
Sa sumbong ni de Guzman, nagtungo umano ang mga suspect sa nabanggit na pagamutan dala ang isang solicitation letter mula sa grupong Pro-Gay na nagsasaad nang paghingi ng halagang P10,000 gamit ang pangalan ni Congressman Calalay.
Dahil sa pangungulit umano ng mga suspect sa pagso-solicit sa dis-oras ng gabi ay agad na tumawag sa pulisya si de Guzman at humingi ng responde.
Sa pagdating ng pulisya, agad namang naaresto ang mga suspect.
Nabatid na may nauna na umanong grupo ng mga bakla ang nakahingi ng P10,000 gamit ang pangalan ng naturang kongresista. (Ulat ni Angie dela Cruz)