Ito ang naging kautusan ng Department of Justice (DOJ) kay NBP director Ricardo Macala.
Sa 26 presong kabataan, ang pinakabata rito na may edad 13 ay itinago sa pangalang Kiko, taga-Bontoc, Mt. Province, hinatulan ng 20-taong pagkabilanggo noong Hunyo 3, 2000 matapos gahasain ang isang 6-anyos na paslit.
Ang nasabing mga kabataang inmates ay nasa edad 13-17 ay pawang may mga kasong rape, frustrated homicide, attempted murder, pagnanakaw at illegal possession of firearms.
Nabatid kay Director Macala na may isang taon nang nakakulong ang ilan sa mga kabataang inmates at ayon sa batas ay hindi dapat ito ikulong sa Pambansang Bilangguan.
Kayat bilang programa at kautusan na rin ng DOJ, inilipat ang mga kabataang preso sa pangangalaga ng DSWD. (Ulat ni Lordeth Bonilla)