Frat group rumesbak: 1 patay
September 21, 2001 | 12:00am
Makaraang mapaslang noong nakalipas na Miyerkules ang dalawang binatilyong miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity sa naganap na frat war sa Quezon City, isa namang binata ang pinaniniwalaang niresbakan ng naturang grupo bilang paghihiganti sa nangyari sa kanilang mga kasamahan.
Ganap na alas-9 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Masbate at Batasan Hills sa Quezon City ng isang Joseph Anos, 21, ng Mindoro St., Luzviminda Village, Batasan Hills, Quezon ang iniulat na binaril at napatay ng mga pinaniniwalaang miyembro ng nabanggit na fraternity.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pinaniniwalaang napagkamalan lamang ang biktima nang ito ay barilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa pag-aakalang miyembro umano ito ng kalaban nilang frat ang M5 fraternity.
Magugunitang nauna dito, dalawang miyembro ng Tau Gamma Phi na nakilalang sina Luisito Sta. Maria, 16 at Geno Pineda, 14, ang nasawi makaraang barilin ng sumpak ng kalabang grupo.
Sinasabing ang insidenteng ito ang naging dahilan nang pagresbak ng Tau Gamma subalit iba naman ang kanilang napuntirya.
Sinabi pa sa ulat na nag-aabang lamang ng masasakyan si Anos sa nabanggit na lugar nang barilin ng suspect.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. Ulat ni Angie dela Cruz)(

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest