Pamilyang 'tulak' nadakip
September 19, 2001 | 12:00am
Isang pamilya na umanoy "tulak" ng droga ang inaresto ng pulisya sa isinagawang anti-drug operation, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Taguig.
Kinilala ni Supt. Reynaldo Fernando, hepe ng Taguig Police ang mga suspect na sina Elino Maglipon, ang misis nitong si Aurora Maglipon at nakababatang kapatid nilang si Felino, 40, pawang nakatira sa #12 Kalsadang Bago, Ligid-Tipaz ng bayang ito.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang impormante na ang nabanggit na pamilya ay sangkot sa pagpapakalat umano ng droga sa kanilang lugar.
Dahil dito, isang anti-drug operation ang inilunsad laban sa mga suspect.
Dakong alas-5 kamakalawa ng hapon, nadakip ang mga suspect mismo sa harapan ng kanilang bahay.
Nakumpiska sa mga ito ang hindi pa mabatid na gramo na shabu. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am