'Maricel Soriano', 1 pa huli sa pagnanakaw sa SM
September 17, 2001 | 12:00am
Dalawang kabataang babae kabilang ang kapangalan ni diamond star Maricel Soriano ang kapwa nakakulong matapos na mahuli sa aktong nagnanakaw ng mga damit sa SM Department Store kamakalawa sa Makati City.
Ang mga suspect na sina Soriano,16, ng 533 Royal Road, Balintawak, Quezon City at Sheryll Pulila,16, ng 2878 Ma. Aurora St., Brgy. Poblacion ay kapwa nakapiit sa Makati City Police detention cell at nakatakdang sampahan ng kasong qualified theft.
Sina Soriano at Pulila, ayon sa mga security guard na nakatalaga ay naaktuhang nagsisilid umano sa kanilang dalang back pack bag ng ibat ibang uri ng damit na nagkakahalaga ng P2,700 dakong alas-5:10 ng hapon.
Nagtangka pa umanong tumakas ang dalawang suspect subalit minalas silang mahuli hanggang sa aminin nila ang kanilang kasalanan at nangakong hindi na uulit. Gusto lamang umano nilang magkaroon ng mga bagong damit at dahil sa kawalan ng pera ay naisip nilang magpuslit sa SM. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest