2 miyembro ng 'Dugo-dugo gang' arestado
September 16, 2001 | 12:00am
Nadakip ng pulisya ang dalawang miyembro ng kilabot na "Dugo-dugo Gang" na nagtangkang isakatuparan ang kanilang lumang estilong modus operandi sa dalawang katulong ng isang Fil-Chinese na ginang makaraang magsagawa ng entrapment operation kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.
Ang mga suspect ay nakilalang sina Julian Bautista, 21, binata, ng 121-E Francis St., Burol Dos, Balagtas, Bulacan at si Petronilo Iday, 55, may-asawa, ng 1519 Franco St., Tondo.
Batay sa ulat ng mga imbestigador ng Ermita Police Station 5, isang tawag sa telepono ang natanggap ni Melinda Uy, 46, may bahay, at residente ng 322 Paz St., Paco, mula sa isang di-kilalang lalaki na nagsabi na naaksidente ang kanyang asawa at ngayon ay nasa malubhang kalagayan sa ospital.
Sinabi ni Mrs. Uy na sinabihan siya ng kanyang kausap sa telepono na ipadala sa kanyang dalawang katulong na nakilalang sina Annie Beth at Juliet, ang kaukulang perang kailangan para mabigyan ng lunas ang tinamong kapansanan ng asawa nito at sila ay tatagpuin sa Luneta Park.
Bago ibinaba ang telepono, inilarawan ng mga suspect ang kanilang kasuotan upang madaling makilala ng dalawang katulong.
Sa mga oras na iyon, nag-aalala na rin si Uy subalit nagkaroon siya ng kaunting pagdududa sa mga suspect dahil sa kung bakit sa nabanggit na parke ang piniling lugar ng mga suspect kung kayat kaagad na nakipag-ugnayan ito sa pulisya at itinakda ang entrapment operation.a
Dala ang isang supot na naglalaman ng mga pekeng pera at ilang piraso ng alahas, nagtungo ang dalawang katulong sa lugar upang katagpuin ang mga suspect.
Makaraang tanggapin ng mga suspect ang naturang pera sa dalawang katulong, sinunggaban ng mga operatiba ng pulisya ang mga suspect na hindi na nagawa pang makapanlaban. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am